Pamilyang Pilipino, ating PATATAGIN


Ang Values Month ay ipinagdiriwang sa buwan ng Nobyembre na kung saan ang tema ay "Pamilyang Pilipino Patatagin: Susi sa Paghubog ng Kabataang Makadiyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansa." Na kung saan isinasaad sa tema na dapat maging matatag ang ating pamilya at para maisakatuparan ito, dapat natin mahalin ang bawat isa dahil ito ang nagiging susi upang mahubog pa lalo ang ating paniniwala at pagmamahal sa Diyos, pagiging makatao, pag-alaga at pagmamahal sa kalikasan, at pagiging makabansa.

Image result for Makadiyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansa.""
Sa selebrasyong ito, ang mga estyudante sa ISNHS ay maaring makilahok sa mga aktibidades kung saan nahuhubog pa ang kanilang pagkatao, naipapakita ang kanilang mga talento at ang silakbo ng kanilang damdamin sa buhay tulad ng paggawa ng Poster Making, Film Viewing, Mural Painting, Doxology, Spoken Word Poetry, Parol Making at iba pa. Ang mga aktibidades na mga ito ay sumasalamin sa ating tema.

Ang pagpapalaganap ng ganitong mga gawain sa eskwelahan ay nakabubuti sa mga mag-aaral sapagkat hindi lang nila naipapamalas ang kanilang iba't ibang kakayahan kundi sila'y natututo rin at nagkakaroon ng reyalisasyon sa buhay.

Comments

Popular posts from this blog

A Woman with a Purpose

CHANGE for the BETTER

INDEPENDENCY