Wikang Filipino: Paunlarin at Pagyamanin

          Ang buwan ng wika ay karaniwang ipinagdiriwang sa buwan ng Agosto. Dito isunusuot ng mga Pilipino ang kanilang Pambansang kasuotan na kung tawagin ay barong at saya.

          Nangunguna ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pagdiriwang ng Wikang Pambansa 2019 mila ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto.

          Sa kauna-unahang pagkakataon, itututon ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa mga katutubong lenggwahe para mapanatiling mapangalagaan dahil kung ito ay ating pabayaan, maaari itong maglaho ng tuluyan.

          "Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino" ang tema ng Buwan ng Wika ngayong taon na ito. Isinasaad ng ating tema na dapat ay huwag nating kalimutan ang ating sariling wika kundi sa halip ay pagyamanin at paunlarin ito. Sa ating henerasyon ngayon, mas mas madami na ang tumatangkilik sa mga lenggwahe ng ibang bansa katulad na lamang ng Ingles, Hangul at iba pa. Maraming mga Pilipino ngayon ang gumagamit ng iba't ibang lenggwahe kung kaya't ang Wikang Filipino ay karaniwan ng ginagamit at unti-unti ng nakakalimutan at naglalaho. Ika nga ni Virgilio Almario, ang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) "Bakit natin ito ginagawa? Dahil nais nating pagpugayan at patunayan na mahalagang bahagi ng ating pagkabansa ang 130 katutubong wika sa Pilipinas. At ito ang boung pagmamalaking ipinapahayag ng ating tema na "Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino".

          Dapat ay lagi nating tandaan ang halaga ng ating sariling wika. Simula ngayon, gamitin ito, paunlarin, at mas lalong pagyamanin. Huwag natin hayaan na tuluyan itong maglaho. Habang maaga pa, gawin na ang nararapat at tangkilikin ang sariling atin.






sources:
https://coolturafilipinas.wordpress.com/2017/12/04/barong-tagalog-at-barot-saya-kasuotan-namin-yan/
https://primer.com.ph/blog/2017/11/16/kwf-to-launch-filipino-spell-checker-software-by-2018/
http://milingwistika.blogspot.com/2013/06/ang-katangian-ng-wikang-filipino-at-ng.html






Comments

Popular posts from this blog

A Woman with a Purpose

CHANGE for the BETTER

INDEPENDENCY